HOT NEWS & PRESS RELEASES

15 KAPAMILYA STARS, MAGSASANIB-PWERSA SA 24|7 IN LOVE

For the first time in the Philippine movie history, pinagsama-sama ang 15 sa mga pinakasikat, pinakahinahangaan, at pinakamahuhusay na bituin ng bagong henerasyon sa iisang higanteng pelikulang handog ng Star Cinema sa selebrasyon ng ika-dalawampung taon ng Star Magic ang “24/7 In Love.”

 

Ang star-studded romance anthology na ‘24/7 In Love,” ay bahagi ng engrandeng pagdiriwang ng 20th anniversary ng Star Magic na katatampukan ng pitong magkakaibang love stories na pagbibidahan ng mga tambalan nina Piolo Pascual, Zaijan Jaranilla, at Xyriel Manabat; Bea Alonzo at Zanjoe Marudo; Sam Milby at Pokwang; Kim Chiu at Gerald Anderson; Diether Ocampo at Maja Salvador; Daniel Padilla at Kathryn Bernardo; at Angelica Panganiban at John Lloyd Cruz.

 

Sa pagnanais na manalo ng VIP tickets sa gaganaping concert ng kanyang ultimate showbiz crush na si Daniel Padilla, sasali si Jane (gagampanan ni Kathryn) sa isang video-making contest kung saan kailangan sagutin ng video entries ang tanong na “Ano ang gagawin mob ago magunaw ang mundo?”

 

Sa paghahanap ni Jane ng sagot para sa kanyang isasali sa contest, makikilala niya ang iba’t ibang taong magbabahagi sa kanya ng mga markadong kwento na pawang patunay sa kapangyarihan ng tunay na pag-ibig—ang 40 year-old virgin na si Virgie (Pokwang) na makikilala ang gigolong si Sam Milby; ang hopeless romantic na sekretarya na si Barbara (Maja) at ang kanyang boss na si Diether Ocampo; si Verna (Angelica), ang babaeng nagdurusa sa kanyang magulong relasyon sa asawa na makikilala si John Lloyd Cruz; si Belle (Bea), ang babaeng in love sa kanyang best friend na bakla na si Zanjoe Marudo; ang 35-year-old mentally challenged na si Mike (Piolo) kasama sila Zaijan at Xyriel, at ang aktibong account executive na si Patty (Kim Chiu).

 

Bahagi rin ng “24/7 In Love” ang iba pang Star Magic artists na sina John Lapus, Maricar Reyes, Jayson Gainza, Matt Evans, Nina Dolino, Joseph Marco, Jason Francisco, Helga Krapf, Andrei Felix, Seppi Borromeo, at Ian Rusell.

 

Ang “24/7 In Love” at sa ilalim ng direksyon ng apat sa pinaka-promising young directors ngayon na sina Mae Cruz, Dado Lumibao, John-D Lazatin, at Frasco Mortiz.

 

Huwag palampasin ang star-studded celebrity movie ng taon, “24/7 In Love,” na ipalalabas na sa Nobyembre 21 (Wednesday).

 

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa “24/7 In Love,” mag-log on lamang sa http://www.StarCinema.com.ph/, http://facebook.com/StarCinema at http://twitter.com/StarCinema.

Advertisement

BE THE FIRST TO WATCH

STAR MAGIC PHOTO GALLERY